Sigaw kasi ng sigaw? Rowena Guanzon, nainis kay Alden

Tila nabwisit si Retired Commission on Elections (COMELEC) Commissioner Rowena Guanzon sa pag-hosting ni Alden Richards sa Miss Universe Philippines.

Tila nabwisit si Retired Commission on Elections (COMELEC) Commissioner Rowena Guanzon sa pag-hosting ni Alden Richards sa Miss Universe Philippines.

“Sino ba ‘yong male emcee sa Ms. Universe Philippines na sigaw ng sigaw?” tanong ni Guanzon sa kanyang post sa X (dating Twitter).

Pinasaringan niya rin ang Miss Universe PH Organization na huwag na muling kunin si Alden Richards na mag-host ng kanilang programa.

“Don’t hire him again. Nakakainis ang boses,” dagdag niya.

Kilalang sikat na personalidad si Alden Richards na nag-host ng Miss Universe Philippines nitong May 22, kung saan inuwi ni Chelsea Manalo ng Bulacan ang korona.

Usap-usapan naman ng netizens na kaya raw nakapag-post si Guanzon ng nasabing tweet ay dahil solid KathNiel fan ang dating commissioner.