Sigalot sa South China Sea, dadalhin ni PBBM sa Australia

Inaasahang dadalhin ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang sigalot sa South China Sea sa kaniyang pakikipag-dayalogo sa mga lider ng Australia.

Inaasahang dadalhin ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang sigalot sa South China Sea sa kaniyang pakikipag-dayalogo sa mga lider ng Australia.

Nakatakdang bumiyahe ang Pangulo sa Canberra, Australia sa February 28 at 29.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Department of Foreign Affairs Spokesperson Maria Teresita Daza na maraming isyung inaasahang tatalakayin sa pagitan ng Pangulo at nina Governor General David Hurley at Prime Minister Anthony Albanese.

“In terms of defense and security that will actually be talked (about), will be discussed but also in terms of what’s happening in the region and what is happening within our region– one issue will be the South China Sea,” ani Daza.

Sinabi rin ng opisyal na ang pagbisita ni Pangulong Marcos sa Canberra ay inaasahang lalong magpapalakas sa kooperasyon ng Pilipinas at Australia.

Haharap din ang Presidente sa Australian Parliament kung saan ilalatag nito ang mga inaasahang kaganapan sa ilalim ng Philippine- Australia strategic partnership.

Bahagi ng South China Sea ang West Philippine Sea na inaangkin din ng China.