Sigalot patuloy! Taguig kinandado Makati Park and Garden

Sinarado ng lokal na pamahalaan ng Taguig ang Makati Park and Garden nitong Linggo.

Sinarado ng lokal na pamahalaan ng Taguig ang Makati Park and Garden nitong Linggo.

Ayon sa pahayag ng Taguig, hindi umano pwedeng mag-operate ang naturang parke nang walang Mayor’s permit.

Hinahanapan din ng Taguig ang Makati Park and Garden ng dokumento sa mga binayarang fees at buwis.

Giniit din ng Taguig na nasa ilalim ng kanilang nasasakupan ang Makati Park and Garden.

“The said park and garden, which has been effectively closed as a park by Makati and used as garage for its heavy equipment and storage for various objects, is subject to Taguig’s jurisdiction which has the right to possess and administer the same notwithstanding Makati’s unlawful possession,” ayon sa Taguig local government.

Matatandaan na noong Biyernes, hinarangan ang mga personnel ng Taguig Traffic Management Office na makapasok sa Makati Park and Garden.

Ang naturang parke ay nakatayo sa West Rembo at Cembo, dalawang barangay na kasama sa nailipat na sa teritoryo ng Taguig base sa ruling ng Supreme Court.

Ngunit pinaglalaban ng Makati na ang ginamit pampatayo ng parke ay galing sa buwis ng kanilang mga residente.

Gusto nilang magpasasa sa mga ipinundar ng pamahalaang lungsod ng Makati gamit ang buwis ng mamamayan ng Makati,” ayon sa Makati LGU.