Siga talaga! 55 Chinese vessels namataan sa WPS

Patuloy na naghahari-harian ang China sa teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

Patuloy na naghahari-harian ang China sa teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Philippine Navy spokesperson for the WPS Commodore Roy Vincent Trinidad, aabot sa 55 Chinese vessels ang namataan sa iba’t ibang lugar sa WPS.

Pinaka marami rito sa Bajo de Masinloc, na kilala ring Scarborough Shoal, kung saan naispatan ang 2 Chinese Coast Guard (CCG) vessels at 24 Chinese maritime militia vessels.

Isang CCG vessel at limang Chinese fishing vessels naman ang nabantayan ng Navy sa Ayungin Shoal habang isa pang CCG vessel at 19 Chinese maritime militia vessels ang namataan sa Pagasa Island.

Samantala, dalawang Chinese maritime militia vessels naman ang namataan sa Panata Island at isang People’s Liberation Army Navy (PLAN) vessel sa Lawak Island.

Gayunpaman, wala naman daw ginagawang agresibong aksyon ang naturang Chinese vessels.