Si Speaker na ang bahala: Romualdez, itinalagang ‘legislative caretaker’ ng ikatlong distrito ng Palawan

Pangangasiwaan ni House Speaker Martin Romualdez ang ikatlong distrito ng Negros Oriental matapos sipain ng Kamara si Arnolfo Teves Jr., dahil sa pagkakasangkot nito sa pagpatay kay Gov. Roel Degamo.

Itinalaga ng Kamara bilang legislative caretaker ng ikatlong distrito ng Palawan si House Speaker Martin Romualdez.

Mahigit isang buwan na rin bakante ang nasabing pwesto gawa nang pagkamatay ni Rep. Edward Hagedorn noong Oktubre 3 dahil sa sakit.

Naghain si Zamboanga Sibugay Rep. Wilter Palma ng isang mosyon sa plenaryo kung saan inirekomenda niya ang pagtatalaga kay Speaker Romualdez bilang legislative caretaker sa naturang posisyon.

Wala namang objections sa mosyon ni Palma, kung kaya’t inaprubahan na ito ni Deputy Speaker at Antipolo City Rep. Roberto Puno.

Si Romualdez rin ang legislative caretaker ng ikatlong distrito ng Negros Oriental matapos sipain ng Kamara si Arnolfo Teves Jr., dahil sa pagkakasangkot nito sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.