Shipping firm sa Mindoro oil spill, 21 tauhan ng PCG at Marina, pinakakasuhan ng DOJ

Inirekomenda na ng Department of Justice (DOJ) ang paghahain ng kasong kriminal laban sa mga may-ari ng lumubog na M/T Princess Empress at mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) at Maritime Industry Authoority (Marina) bunsod ng nangyaring oil spill sa Oriental Mindoro noong Pebrero 2023.

Nanguna sa paghahain ng kaso ang National Bureau of Investigation-Environmental Crime Division (NBI-ECD) at ni Mayor Jennifer Cruz ng Palo, Oriental Mindoro.

Kabilang sa mga respondents sa kaso ang mga corporate executive at kawani ng RDC Reield Marine Services Inc., ang shipping company ng M/T Princess Empress, 19 personnel ng PCG, at dalawa mula sa Marina.

Ayon sa prosekusyon, napagalaman na nagsumite ang RDC ng mga pekeng dokumento kabilang na ang Construction Certificate and Affidavit of Ownership.

Dahil diyan, kabilang sa mga isasampang kaso ay falsification of public documents at multiple use of falsified documents.

Matatandaang lumubog ang M/T Princess Empress sa Najuan, Oriental Mindoro noong Pebrero 28, 2023 na nagdulot ng matinding oil spillcsa karagatan.