Sharon, Kiko dinikdik si Cristy ng kasong cyber libel

Nadagdagan ang mga kasong kinahaharap ng showbiz insider na si Cristy Fermin matapos siyang sampahan ng reklamong cyber libel ng mag-asawang ex-senator Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta ngayong Biyernes.

Ayon sa entertainment reporter na si Nelson Canlas, sa Makati City Prosecutor’s Office dumulog ang mag-asawa upang ihain ang kanilang reklamo laban kay Cristy.

Ang ugat ng kaso ay ang mga inuulat umano ni Cristy na walang basehan at malisyosong balita tungkol sa pamilya nina Sharon at Kiko.

Matatandaang noong nakaraang linggo ay sinampahan rin si Cristy ng kasong cyber libel ng aktres na si Bea Alonzo. Idinawit din ni Bea sa kanyang reklamo ang isa pang showbiz insider na si Ogie Diaz.

Matapos ang pagsasampa ni Bea ng kaso, sinabi ni Cristy na iginagalang niya ang karapatan ng aktres na magsampa ng kaso ngunit hindi umano nito mapipigil ang kanyang kalayaan sa pagiging mamamahayag.