‘Share our blessings’: PBBM, hinimok ang publiko na gawing inspirasyon ang Immaculate Conception

Hinikayat rin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang bawat Katoliko na patuloy na manalangin para sa gabay ng Maykapal upang matahak ang daan tungo sa Bagong Pilipinas.

Sa paggunita ng piyesta ng Immaculate Conception nitong Biyernes, Disyembre 8, hinikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga Katolikong Pilipino na gawin inspirasyon ito sa pagtugon sa mga problema at sa pagpapalakas ng pananampalataya.

“During these challenging times for our country, let us draw inspiration from the narrative of the Immaculate Conception as we overcome our limitations and draw on our strengths to see the world with grateful hearts and explore the deep meaning of our purpose in life,” sabi ng pangulo sa kaniyang mensahe para sa paggunita ng kapistahan ng Immaculate Conception of Mary.

“May this auspicious occasion allow us to fortify our Christian faith and inspire our fellow faithful to share our blessings to the poor and marginalized as a way of perpetuating peace, generosity, and kindness around us,” dagdag pa niya.

Hinikayat rin ni Marcos ang bawat Katoliko na patuloy na manalangin para sa gabay ng Maykapal upang matahak ang daan tungo sa Bagong Pilipinas.

Ginugunita ng Pista Imakulada ang pagbubuntis ni Inang Maria na walang kasalanan.