Sey ng DonBelle fans? Donny nanligaw kay Kathryn – Ogie

"Niligawan niya si Kathryn kaya lang naudlot." Ito ang naging pahayag ni Ogie Diaz ukol sa naging panliligaw umano ni Donny Pangilinan sa aktres na si Kathryn Bernardo.

“Niligawan niya si Kathryn kaya lang naudlot.”

Ito ang naging pahayag ni Ogie Diaz ukol sa naging panliligaw umano ni Donny Pangilinan sa aktres na si Kathryn Bernardo.

Sa YouTube vlog ni Ogie na Showbiz Update, sinabi nito na may nakapagsabi umano sa kanyang source na binalak ng aktor na manligaw kay Kath.

“May trivia ako… kay Kathryn. Eto na, how true? Patanong na lang, kasi baka naman i-deny tayo. How true na minsan pala e pinormahan nitong isang young sctor si Kathryn. As in niligawan,” saad ni Ogie.

Pag-uusisa pa ni Mama Loi, “Yung ba yung lalake na ang initials kapangalan ng ex ni Kathryn?”

Ani Ogie, hindi naman umano malinaw kung bakit hindi natuloy ang panliligaw ni Donny.

“O basta ‘yun lang yung nakarating lang sa akin. Ngayon, na kay Donny… nasa kanya na yun kung gusto niyang aminin yan na minsan pinormahan niya si Kathryn or niligawan niya si Kathryn kaya lang naudlot,” sey nito.

PANOORIN: