Sey mo, Kim? Xian Lim umamin na sa relasyon sa bagong bebot

Sa wakas ay nagsalita na si Xian Lim tungkol sa matagal nang usap-usapan na may bago na itong karelasyon na isang producer.

Sa wakas ay nagsalita na si Xian Lim tungkol sa matagal nang usap-usapan na may bago na itong karelasyon na isang producer.

Sa panayam ng Esquire Philippines kay Xian, naitanong sa kanya kung totoo bang may relasyon sila ni Iris Lee, isang producer para sa Viva.

“Yes, I’m seeing Iris,” pag-amin ni Xian. “Just to clear everything, to clear all the speculations. We are seeing each other and we are very happy.”

Pero paglilinaw ni Xian, hindi raw totoo na ‘third party’ si Iris sa naging break-up nila ng kanyang ex-girlfriend na si Kim Chiu.

“There’s no third party. That’s it. That plain and simple,” paliwanag ni Xian.

Isa pa sa kinontra ng aktor ay ang intrigang kinasal raw sila ni Iris sa New York.

Hindi rin daw totoo na may ka-live in na siyang ibang babae.

“The only people I live with is my mom, my lola, my lolo. These are the things na, parang, it’s just so absurd and it’s just… why?!” saad pa ng Filipino-Chinese actor.

Nanawagan si Xian sa mga netizen na huwag nang kaladkarin si Iris sa issue tungkol sa naging hiwalayan nila ni Kim.

“Things happen in life that we’re not going to be able to control. And as much as we don’t want it to happen, life happens. And it just pains me na parang may mga taong nadamay,” sabi ng aktor.