Sey mo Alden? Jericho nakadagdag pogi points kay Kathryn

Nakaporma ang aktor na si Jericho Rosales kay Kathryn Bernardo nang maispatan silang magkasama nitong Miyerkoles.

Nakaporma ang aktor na si Jericho Rosales kay Kathryn Bernardo nang maispatan silang magkasama nitong Miyerkoles.

Ayon sa ulat ng Abante, hinandugan nina Kathryn at Piolo Pascual ng isang surprise birthday dinner ang handler nilang si Lulu Romero.

Kasama na rin sa mga dumalo sina Johnny Manahan, Mariole Alberto, Bea Alonzo, Sam Milby, Jake Ejercito, Arjo Atayde, Robi Domingo, at si Jericho.

Kaya naman, naka-iskor si Jericho kay Kathryn.

Matatandaang ayon sa nasagap ni Ogie Diaz ay nanliligaw si Jericho sa aktres. Karibal pa nga niya dito si Alden Richards.

Unang pumorma si Jericho kay Kathryn noong birthday celebration ng aktres nitong Marso 26 sa El Nido.

Si Jericho ay hiwalay na sa dating asawang si Kim Jones. Samantala, hiwalay na rin si Kathryn sa dating nobyo na si Daniel Padilla.