Serbisyong medikal, dala ng ‘Lab for All’ sa Tacloban

Naghatid ng libreng konsultasyon at libreng gamot sa 5,000 pasyente sa Tacloban City, Leyte ang Department of Health (DOH) simula Hulyo 2 hanggang Hulyo 4.

Naghatid ng libreng konsultasyon at libreng gamot sa 5,000 pasyente sa Tacloban City, Leyte ang Department of Health (DOH) simula Hulyo 2 hanggang Hulyo 4.

Ito ay parte ng “Laboratoryo, Konsulta at Gamot para sa Lahat” (Lab for All) caravan na programa ni First Lady Liza Araneta-Marcos.

Nasa kabuuang 11,788 serbisyong pangkalusugan sa People’s Center, Eastern Visayas State University Gym, Marasbaras National High School Gym, Remedios Trinidad Romualdez Gym, at Tacloban City National High School Gym ang naibigay ng naturang caravan.

Kabilang sa mga serbisyo ng ‘Lab for All’ ay konsultasyon sa internal medicine, surgery, ear, nose, throat, ophthalmology, obstetrics at gynecology, pediatrics, at family medicine.

Bukod pa riyan ay nagbibigay din sila ng ultrasound, blood chemistry, complete blood count, urinalysis, computed tomography scan, at X-ray, dental services, bakuna, provision ng gamot, at vision screening.

Dahil dito, labis ang pasasalamat ni Health Secretary Teodoro Herbosa kay First Lady. Aniya, “We are grateful to the First Lady (Liza Araneta-Marcos) as this is aligned with the DOH’s mission to guarantee all Filipinos access to quality health care services.”