Senate civil war? Binay naghain ethics complaint vs Cayetano

Naghain ng ethics complaint si Senador Nancy Binay laban kay Senador Alan Peter Cayetano.

Naghain ng ethics complaint si Senador Nancy Binay laban kay Senador Alan Peter Cayetano.

Ito ay matapos tawagin ni Cayetano si Binay ng “marites” o pagiging tsismosa at “buang ka, day” sa pagdinig ng Senado ukol sa konstruksyon ng bagong Senate building sa Taguig.

Inihain ni Binay ang reklamo sa Senate Committee on Ethics and Privileges.

Tungkulin ng komite na talakayin ang conduct, rights, privileges, safety, dignity, integrity at reputasyon ng Senado at ng mga miyembro nito.

Wala pa namang tugon ang kampo ni Cayetano sa reklamo ni Binay.

Inimbestigahan ni Cayetano ang konstruksyon ng bagong Senate building matapos ipag-utos ni Senate President Francis “Chiz” Escudero nap ag-aralang muli ang proyekto na nagkakahalaga ng P23 bilyon.