Senado tatawagin PNP sa paghahanap kay Quiboloy – Hontiveros

Maaaring humingi ng tulong ang Senado sa Philippine National Police (PNP) upang maihain ang subpoena laban kay Pastor Apollo Quiboloy, ayon kay Senador Risa Hontiveros.

Maaaring humingi ng tulong ang Senado sa Philippine National Police (PNP) upang maihain ang subpoena laban kay Pastor Apollo Quiboloy, ayon kay Senador Risa Hontiveros.

Giit ni Hontiveros, ang Department of Interior and Local Government (DILG) na mismo ang nagsabi na maaaring hingin ang tulong ng PNP para sa pagsisilbi ng subpoena kay Quiboloy.

Si Hontiveros ang nangunguna sa pagdinig sa mga kaso laban kay Quiboloy bilang chair ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality,

“Pinag-usapan noong pangalawang hearing, sabi ng DILG, maaaring hingin ang tulong ng PNP para sa pag-serve ng subpoena,” sabi ni Hontiveros sa isang press conference kahapon.

Aniya, kung isnabin ni Quiboloy ang kanilang subpoena, mapipilitan silang nipa-contempt at ipaaresto ang kontrobersiyal na religious leader sa tulong na rin ng PNP.

Nakatakda ang susunod na pagdinig ng komite sa Marso 5 kaugnay sa umano’y pang-aabuso ni Quiboloy sa mga kasapi ng kanyang religious group na Kingdom of Jesus Christ.