Senado suportado PBBM sa pagsusuri sa minimum wage

Nakatanggap ng suporta mula sa Senado ang direktiba ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa mga regional wage boards na suriin ang minimum wage sa iba't ibang lugar.

Nakatanggap ng suporta mula sa Senado ang direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga regional wage boards na suriin ang minimum wage sa iba’t ibang lugar.

Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri na ang pinakamagandang regalo na maari ibigay ni Pangulong Marcos sa mga manggagawa ay ang itaas ang minimum na sahod sa pamamagitan ng batas.

Matatandaang kamakailan ay inaprubhan ng Senado ang P100 Daily Minimum Wage Increase Act.

“I am one with our President in calling for the Regional Tripartite Wage and Productivity Boards to do a regular review of our minimum wages and for the National Wages and Productivity Commission to ensure that the boards do so,” ani Zubiri.

Ayon naman kay Senate Majority Leader Joel Villanueva ang hakbang ng Pangulo ay magtitiyak na ang mga sahod ng mga manggagawa ay makakasapat sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Pinuri rin ni Senador Francis Tolentino ang direktiba ng Pangulo, na aniya’y makakatulong sa mga manggagawa sa kanilang laban sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

“I support the said PBBM initiative to enable our workers to cope with the current inflation bearing in mind the employers’ sustainable business position,” saad ni Tolentino.

Samanatala, pahayag ni Senator Jinggoy Estrada: “Sa huli, kung mapapagdesisyunan ng mga Regional Tripartite Wage and Productivity Boards (RTWPBs) na mayroong supervening condition para magpalabas ng panibagong wage order ang ilang rehiyon, malaking kaluwagan ito sa mga kababayan natin na pilit na pinagkakasya ang kanilang buwanang kita sa lumalaking gastusin ng kanilang pamilya.”