Senado nilabas na arrest order kay Quiboloy!

Sa wakas ay inilabas na ng Senado ang arrest order para damputin si Pastor Apollo Quiboloy.

Sa wakas ay inilabas na ng Senado ang arrest order para damputin si Pastor Apollo Quiboloy.

Pinakita ni Senadora Risa Hontiveros ang arrest order na pirmado na ni Senate President Miguel Zubiri.

Base sa arrest order, inaatasan ang Sergeant-At-Arms na arestuhin at idetine si Quiboloy sa Senado.

Matatandaan na dumulog si Hontiveros kay Zubiri para arestuhin na si Quiboloy matapos nitong dedmahin ang subpoena ng Senado.

Hindi rin katanggap-tanggap para kay Hontiveros, na chairperson ng Senate committee on women, children, family relations, and gender equality, ang paliwanag ng kampo ni Quiboloy sa show cause order kung bakit hindi ito sumisipot sa mga pagdinig.

Ayon kay Zubiri, kanilang dinaan sa due process si Quiboloy bago maglabas ng arrest order para sa pastor.

“We are signing the order to protect our committee system, to preserve the Senate’s power of inquiry with process to enforce it,” lahad ni Zubiri.