Senado naglabas ng show cause order vs Quiboloy

Binigyan pa ng pagkakataon ng Senado si Pastor Apollo Quiboloy na magpaliwanag sa pag-isnab niya sa subpoena ng mataas na kapulungan.

Binigyan pa ng pagkakataon ng Senado si Pastor Apollo Quiboloy na magpaliwanag sa pag-isnab niya sa subpoena ng mataas na kapulungan.

Ito’y matapos maglabas ang Senado ng show cause order upang ilahad ni Quiboloy ang dahilan kung bakit hindi niya sinipot ang pagdinig sa komite na pinamumunuan ni Sen. Risa Hontiveros.

“You are hereby ordered to show cause within a non-extendible period of 48 hours from receipt of this Order why you should not be ordered arrested and detained at the Office of the Sergeant-At-Arms,” saad sa show cause order.

Hindi sinipot ni Quiboloy ang pagdinig noong Enero 23, Pebrero 19, at Marso 5. Tungkol ito sa mga kasong human trafficking, rape, sexual abuse, violence, at child abuse.

Kailangang sumagot ni Quiboloy sa loob ng 48 oras matapos niyang matanggap ang order.