Senado, Kamara dapat magmuni-muni sa Economic Cha-cha – solon

Ngayong papalapit na ang Semana Santa, hinimok ni Quezon Rep. David “Jay-Jay” Suarez na dapat magmuni-muni na ang ilang mambabatas tungkol sa economic Charter change.

Ngayong papalapit na ang Semana Santa, hinimok ni Quezon Rep. David “Jay-Jay” Suarez na dapat magmuni-muni na ang ilang mambabatas tungkol sa economic Charter change.

Ayon kay Suarez, dapat magamit ang break para matukoy ng ilang lawmaker kung gaano kahalaga ang pag-amyenda sa 1987 Constitution.

“Itong pagkakataon na makakapagpahinga sa palagay ko maganda ring pagkakataon na makapag-usap din yung Senado at yung Kongreso para malaman na talaga yung susunod na hakbang sa lifting ng restrictions sa Constitution,” lahad ni Suarez.

“Maganda na ma-maximize natin yung Holy Week break. We can do some self-reflection, we can pray for enlightenment, we can hope for discernment so that we can meet kasi talagang importante na importante ito para sa ating bansa,” aniya pa.

Sa ngayon ay umusad na sa ikalawang pagbasa ang Resolution of Both Houses (RBH) No. 7 sa Kamara.

Ngunit ang RBH No. 6 sa Senado ay nananatili pa rin sa subcommittee level.