Sen. Imee nagiging Duterte apologist – De Lima

Binanatan ni dating senadora Leila de Lima si Senadora Imee Marcos kaugnay ng pagtatanggol nito kay ex-president Rodrigo Duterte.

Binanatan ni dating senadora Leila de Lima si Senadora Imee Marcos kaugnay ng pagtatanggol nito kay ex-president Rodrigo Duterte.

Sa kanyang post sa X (dating Twitter) ngayong Lunes, nagbigay si de Lima ng kanyang reaksyon sa pagtawag ni Imee ng over-acting o ‘OA’ sa mga bumabatikos sa ‘gentleman’s agreement’ ni Duterte sa China.

“Sen. Imee is just being consistent in her role as a top Duterte defender/apologist which baffles many. What is clear is that Duterte entered into a secret agreement with Xi Jinping on the non-confidential subject-matter of resupply trips to our outpost in Ayungin Shoal well w/in our EEZ, the supposed details of which are just being disclosed now,” wika ni de Lima.

Muli ring sinuka ng dating mambabatas ang lihim na kasunduan ni Duterte sa China.

“The secretive manner of the conduct of foreign policy on a matter as important as surrendering our prerogatives w/in our own EEZ only makes the whole affair suspicious and reeking of a treasonous sell-out,” aniya.

Ayon kay dating ex-presidential spokesperson Harry Roque, ang kasunduan sa pagitan ni Duterte at ng China ay hindi na dapat magbubuo ng ano mang istruktura sa West Philippine Sea.

Ang pagdadala umano ng Pilipinas ng construction materials sa BRP Sierra Madre ang siyang dahilan ng ilang beses na pambobomba ng China ng water cannon.