Semana Santa malabong bagyuhin – PAGASA

Walang nakikitang sama ng panahon ang posibleng pumasok sa Pilipinas ngayong Semana Santa.

Walang nakikitang sama ng panahon ang posibleng pumasok sa Pilipinas ngayong Semana Santa.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), walang inaasahang malakas na pag-ulan ang pagninilay ng mga Katolikong Pilipino sa Holy Week.

“We do not see any weather disturbance entering the country until the end of Holy Week,” ayon kay PAGASA meteorologist Benison Estareja.

Sa kabila nito, may ilang posibleng magkaroon ng panaka-nakahang pag-ulan sa Bicol, Northern Samar, Eastern Samar, Samar at Quezon.

Posible ring magkaroon ng pag-ulan sa ilang lugar sa Luzon pagsapit ng hapon dahil sa easterlies o ang ng mainit na hanging nagmumula sa Pacific Ocean.