Self-proclaimed ‘Appointed son of God’ na si Quiboloy pugante na – NBI

Kinokonsidera na bilang pugante si Pastor Apollo Quiboloy na ngayo'y hindi pa rin lumalantad sa kabila ng arrest warrant na inilabas para sa kanya.

Kinokonsidera na bilang pugante si Pastor Apollo Quiboloy na ngayo’y hindi pa rin lumalantad sa kabila ng arrest warrant na inilabas para sa kanya.

Pinasok na ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang compound ng Kingdom of Jesus Christ ngunit wala doon ang kontrobersyal na pastor.

Bukod diyan sinubukan na rin na pasukin ang abot sa pitong properties ni Quiboloy ngunit hindi pa rin ito nahanap para arestuhin.

Dahil diyan, ayon kay NBI Southeastern Mindanao chief Archie Albao na pwede nang tawagin na fugitive si Quiboloy.

“Under the law, if you are not arrested, you are considered as fugitive from justice,” saad ni Albao.

Ayon pa sa NBI official, sigurado silang nasa Pilipinas pa si Quiboloy dahil walang record sa Immigration na nakalabas ito ng bansa.

Limang katao na konektado sa child at sexual abuse case na isinampa rin kay Quiboloy ang humarap na sa NBI.

Pansamantalang nakalaya na ang lima matapos na magpiyansa.