Sekyu sa CamSur, sinoli bag na may P1M!

Isang security guard mula sa Daet, Camarines Sur ang na-promote matapos niyang ibalik ang isang bag na naglalaman ng P1 milyon sa tunay nitong may-ari.

Isang security guard mula sa Daet, Camarines Sur ang na-promote matapos niyang ibalik ang isang bag na naglalaman ng P1 milyon sa tunay nitong may-ari.

Paglalahad ni Salvador Mirandilla, isang job order security guard sa Camarines Norte Provincial Hospital, nakita raw niya bag na iniwan ng isang pasahero sa bus na papunta sa Daet mula sa Maynila.

Bilang gantimpala sa kanyang katapatan, pinarangalan siya ni Governor Ricarte Padilla at itinaas ang posisyon bilang isa nang regular na empleyado ng provincial government.

Samantala, umaasa si Governor Padilla na ang pangyayaring ito ay maging inspirasyon sa marami dahil isa itong magandang halimbawa ng integridad.