Sekyu na pumatay sa welder sa SLEX, sumuko na!

Sumuko kahapon ang security guard ng isang industrial park na bumaril at nakapatay sa isang welder sa gilid ng kahabaan ng South Luzon Expressway, Cabuyao City, Laguna.

Sumuko kahapon ang security guard ng isang industrial park na bumaril at nakapatay sa isang welder sa gilid ng kahabaan ng South Luzon Expressway, Cabuyao City, Laguna.

Kinilala ang suspek na si Demetrio Bersano, 47, alias Demetrio, security guard ng Hunter Security Agency at nakadestino sa Calamba Premiere International Park (CPIP).

Isinuko niya ang caliber .9mm pistol na ginamit sa krimen.

Inaresto rin ang kasamang sekyu ni Bersano na si Al Jun Nocos Olango, na nakadestino din sa CPIP building.

Nabaril at napatay ni Bersano si ng biktima na si Ronald Viñas Santillan, welder ng Archen Construction Group na may ginagawa sa SLEX, Sabado ng hapon.

Dakong ala-1 ng hapon ay nagpapahinga sa damuhan sa gilid ng SLEX malapit sa CPIP ang welder at ilan pang katrabaho nito.

Nagkaroon ng pagtatalo ang welder at sekyu matapos na subukang paalisin ang mga manggagawa sa perimeter wall ng industrial park.

Umalis pansamantala ang security guard. Pagbalik ay may dala na itong baril at pinaputukan ang biktima.

Dead on the spot si Santillan, habang agad namang tumakas ang suspek.