Sekyu na naghagis ng tuta sa footbridge, pinatutugis na!

Inalabas na ang warrant of arrest laban sa security guard na naghahis ng tuta mula sa isang footbridge sa Quezon City noong nakaraang taon.

Inalabas na ang warrant of arrest laban sa security guard na naghahis ng tuta mula sa isang footbridge sa Quezon City noong nakaraang taon.

Ayon sa Facebook post ng Animal Kingdom Foundation (AKF), umusad na ang legal proceedings laban sa suspek na si Jojo Malicdem.

Nitong nakaraang buwan ay inirekomenda ng Quezon City Prosecutor’s Office ang pagsasampa ng kasong animal cruelty laban may Malicdem.

Maaaring makulong ang suspek ng mula isa hanggang dalawang taon at pagmumumtahin ng ‘di lalagpas sa P100,000.