Sektor ng palay, prayoridad ng gobyerno para siguruhin may makakain ang bawat Pilipino—PBBM

Patuloy na makikipagtulungan ang Pilipinas sa mga international organization tulad ng International Rice Research Institute (IRRI) upang pagyamanin pa ang sektor ng palay ng bansa, ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Determinado si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palaguin pa ang sektor ng palay at palakasin pa ang mga proteksyon para sa mga lokal na magsasaka.

Sinabi ng Pangulong Marcos ito matapos iprisinta ng International Rice Research Institute (IRRI) ang mga natukoy na genes para sa low and ultra-low glycemic index (GI) ng kanin.

“We will spare no effort to ensure the growth of the rice industry here in our country even as we safeguard the welfare of farmers and consumers alike,” sinabi ng Pangulong Marcos, na tumatayo ring kalihim ng Department of Agriculture (DA).

“We will do everything to pursue and punish those who are involved in smuggling and hoarding. We will make them pay for their wrongful actions and remedy the situation,” aniya.

Ayon sa Pangulo, nakikipagtulungan ang Pilipinas sa mga organisasyon tulad ng IRRI para tiyakin ang pagpapalakas ng suplay ng bigas, at lumikha ng iba’t iba pang uri nito gamit ang makabagong teknolohiya at mga technique.

“We have likewise been working on our disaster preparedness and resilience so that the rice industry can respond and adapt to the effects of El Niño and other calamitous events,” he said.