See you soon! Extradition ni Teves, inaprubahan ng Timor-Leste – DOJ

Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na pinayagan na ng Timor-Leste ang hiling ng Pilipinas para sa extradition ni Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves.

Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na pinayagan na ng Timor-Leste ang hiling ng Pilipinas para sa extradition ni Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves.

Ito ay base sa anunsyo ng Attorney General ng Timor Leste nitong Huwebes, Hunyo 27.

Ayon sa DOJ, hinihintay na lang nila ang pagdating ni Teves sa bansa upang harapin ang kaso nito.

“We have won,” pahayag ng DOJ.

“We look forward to the arrival of Mr. Teves so that he may finally face the charges against him in our local courts,” dagdag pa nito.

Si Teves ay nahaharap sa mga kasong pagpatay kaugnay ng pagpaslang kay dating Negros Oriental Gov. Roel Degamo noong 2023.