Secret message? PBBM may pasimpleng banat daw sa China, Russia sa pagbisita ni Zelensky

Pinag-usapan ng mga netizen ang umano'y pahiwatig ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nang bumisita sa Malacañang si Ukrainian president Vlodomir Zelensky kahapon.

Pinag-usapan ng mga netizen ang umano’y pahiwatig ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nang bumisita sa Malacañang si Ukrainian president Vlodomir Zelensky kahapon.

Napansin ng isang netizen sa Reddit ang litrato ni Zelensky habang pumipirma ng guest book sa Malacañang.

Nakapukaw ng atensyon ni Redditor Odd-Working510 ang artwork sa likod nina Zelensky at Marcos.

Aniya, iba ito sa nakagawian na ‘The Blood Compact’ painting na madalas na background sa guest book signing ng mga dumadalaw na foreign leader sa Palasyo.

Sa halip, makikita sa background ni Zelensky at Marcos ang imahe ni Lapu-Lapu at mga barko ng mananakop na nilabanan ng bayaning Pilipino noong 1521.

Mapapansin din na sa taas ng artwork, makikita ang lyrics ng Lupang Hinirang na, “Lupang Hinirang duyan ka ng magiting. Sa manlulupig ‘di ka pasisiil.”

Tingin ng mga netizen ay mensahe ito ni Marcos ng pagpalag sa mga mananakop lalo pa’t may tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China.

Matatandaan na sa bansa ni Zelensky na Ukraine ay nagkaroon ng armed conflict dahil naman sa invasion ng Russia.