Screening ng mga pasahero mula ibang bansa, pinahihigpitan dahil sa banta ng Covid FLiRT

Kumpirmado ni Health Secretary Teodoro Herbosa nitong Lunes na inutusan niya ang Bureau of Quarantine (BOQ) na magsagawa ng masusing pagsusuri sa lahat ng paparating na pasahero mula sa mga bansang may kaso ng Covid FLiRT.

Kumpirmado ni Health Secretary Teodoro Herbosa nitong Lunes na inutusan niya ang Bureau of Quarantine (BOQ) na magsagawa ng masusing pagsusuri sa lahat ng paparating na pasahero mula sa mga bansang may kaso ng Covid FLiRT.

Pinaalalahanan ni Herbosa ang lahat ng manlalakbay patungong Maynila at iba pang entry points na kumpletuhin ang mga health questionnaire na makikita sa kanilang e-travel applications. Pinayuhan din niya ang mga may sintomas na manatili na lamang sa bahay at sumailalim sa home isolation.

“We are facing a new Covid-19 strain that has the KP.1 and KP.2 variations, which are parts of the newly-discovered subvariant identified as FLiRT, a novel virus spreading globally,” ani Herbosa

Ang bagong strain na ito ay nagmula sa JN.1 subvariant na unang nakilala noong huling bahagi ng 2023 at nagdulot ng pagtaas ng impeksyon ngayong taon.

Sa mga bansang apektado ng FLiRT ay kinabibilangan ng Estados Unidos, Canada, Australia, South Korea, at ilang mga bansa sa Europa tulad ng United Kingdom.

Hinimok ni Herbosa ang publiko na patuloy na magsagawa ng mga pangunahing hakbang pangkalusugan tulad ng madalas na paghuhugas ng kamay, tamang pag-ubo, pag-iwas sa mataong lugar, at pag-iwas sa pakikisalamuha sa mga taong may sintomas ng trangkaso.

Pinayuhan din niya ang lahat ng manlalakbay na may mga palatandaan at sintomas ng Covid-19 na manatili na lamang sa bahay. Ayon kay Herbosa, naglabas na ang Department of Health (DOH) ng Bureau Memorandum No. 2024-48 sa BOQ noong 24 Mayo 2024.

“We appreciate the public’s heightened interest in BOQ operations to protect our population—as you can see, DOH delivers,” dagdag ni Herbosa

Para maiwasan ang posibleng maling impormasyon at fake news tungkol sa bagong subvariant, pinaalalahanan niya ang publiko na kumuha lamang ng mga anunsyo mula sa mga beripikadong social media channel ng DOH o mapagkakatiwalaang mainstream media outlets.