Scholarship sa mga PWD, sinusulong sa Kamara

Nilalakad sa Kamara ang pagbibigay ng scholarship para sa mga persons with disabilities (PWDs).

Nilalakad sa Kamara ang pagbibigay ng scholarship para sa mga persons with disabilities (PWDs).

Sa ilalim ng House Bill 10078 o ang Scholarship Grants for PWDs Act of 2024, naglalayon na mabigay ng scholarship grant sa mga PWD na edad 25 pababa.

Ito ay inakda ni CIBA party-list Representative Eddie Villanueva.

“It is the policy of the State to implement programs and services centered on the needs of PWDs to uplift their quality of life,” ayon kay Villanueva.

“It will be of great help if they are able to obtain a college degree with the help of the government. In view of the foregoing, the passage of this bill is earnestly sought,” saad pa.

Sa ilalim ng panukalang batas, bibigyan ng mandato ang Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED) na maglaan ng pondo para sa scholarship ng mga PWD.

Nai-refer na sa House panel on Basic Education and Culture at House panel on Higher and Technical Education ang naturang bill.