Scholarship program ng CHED pinondohan ng P3.744-B

Inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang paglalaan ng P3.744 bilyon para sa 'Tulong Dunong' scholarship program ng Commission on Higher Education (CHED).

Inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang paglalaan ng P3.744 bilyon para sa ‘Tulong Dunong’ scholarship program ng Commission on Higher Education (CHED).

Ang ‘Tulong Dunong’ ay programa kung saan ang mga piling estudyante sa kolehiyo ay tumatanggap ng tulong-pinansyal.

“This scholarship program is a huge help for our dear students, especially those who are having financial difficulty or simply cannot afford to go to college,” pahayag ni DBM Secretary Amenah Pangandaman.

“Providing necessary funds for programs like this gives them a fighting chance to complete their degrees and ultimately give them a better future. As what President Bongbong Marcos said, sa Bagong Pilipinas, dapat ay walang Pilipinong maiiwan,” dagdag pa ng kalihim.

Sa tulong ng nabanggit na pondo, inaasahang aabot sa 247,135 ang mga estudyanteng makikinabang sa proyekto.

Ang pondo ay para lamang sa ikalawang semestre ng Academic Year (AY) 2023-2024 at unang semestre ng AY 2024-2025.