‘Sayang na sayang lang’ Libreng edukasyon sa mga pampublikong kolehiyo, pag-aaksaya lamang sa limitadong pondo ng gobyerno – Diokno

Iminungkahi ni Finance Secretary Benjamin Diokno ang pagrepaso sa programang libreng kolehiyo sa mga state universities and colleges (SUCs), na inilarawan niyang “aksayado.”

Iminungkahi ni Finance Secretary Benjamin Diokno ang pagrepaso sa programang libreng kolehiyo sa mga state universities and colleges (SUCs), na inilarawan niyang “aksayado.”

Sa isang pahayag nitong Sabado, Setyembre 2, pinaliwanag ni Diokno na kailangang repasuhin ang programa dahil sa limitado ang pondo ng gobyerno.

“The core of my proposal to revisit the present ‘free’ college education is how to optimally allocate resources funded largely by taxpayers for education,” ani Diokno, na namumuno sa economic team ng administrasyon.

“Government resources funded by taxpayers’ money, by nature, are finite… The present regime is unwieldy, inefficient, and wasteful,” punto pa niya.

Matatandaang sinabi kamakailan ni Diokno na ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act o ang libreng tuition sa mga public universities at colleges ay mahirap panatilihin at dehado sa programang ito ang mga mahihirap, kung tutuusin.

Sa nakalipas na pagdinig sa budget ng Commission on Higher Education (CHED) sa Kamara, idiniin ng mga opisyal nito na isa sa pinakamagandang programa kontra kahirapan ang libreng tertiary education.

Ngunit nang tanungin tungkol sa antas ng mga nagdo-dropout sa kolehiyo, umabot sa 36.83 percent ang mga estudyante na pansamantalang tumigil sa pag-aaral kahit na bahagi sila ng programang libreng edukasyon.

Ang drop-out rate ang patunay na malaking “patunay sa pag-aaksaya” ng limitadong pondo ng gobyerno, diin ni Diokno.

Sa halip ng malawak na libreng edukasyon, panukala ni Diokno na repormahin ang Sistema sa pagbibigay nito.

“The elements of my proposal are the following: first, focus on strengthening the K-12 program; second, filter, through a nationwide test, those who should be entitled to free education,” paliwanag ng kalihim.

“Third, allow those who passed the nationwide exam and are entitled to ‘free’ education to use their entitlement (a four-year voucher) to enter or reject their assigned state university [or] choose an accredited private university; and [lastly] reduce the number of existing SUCs over time through mergers,” giit ni Diokno.