Sayang add to cart! Delivery truck na puno ng parcel, nagliyab sa Albay

Nasunog ang isang delivery truck na may kargang mga parcel sa Brgy. Panaytayan sa bayan ng Ragay, Camarines Sur.

Nasunog ang isang delivery truck na may kargang mga parcel sa Brgy. Panaytayan sa bayan ng Ragay, Camarines Sur.

Nangyari ang insidente noong nakaraang Linggo, April 7, bandang alas-6:15 ng umaga.

May dala umanong mga package ang delivery truck na nanggaling pa sa Metro Manila.

Batay sa imbestigasyon, posibleng dahil sa mga lamang parcel nanggaling ang sunog.

“Sabi po nung driver ay may mga karga po kasi sila na Shopee delivery po, may mga battery daw po. ‘Yun ‘yung (posibleng) cause ng pagsabog,” ayon kay FO2 Lester Joseph Dela Roca ng Bureau of Fire Protection Ragay.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung magkano ang halaga ng napinsala sa naturang sunog.