Saudi investors, interesadong mamuhunan sa Pilipinas gamit ang MIF

Nais ng mga mamumuhunan sa Saudi Arabia na malaman pa ang kwento ng Pilipinas, na itinuturing nilang isa sa mga exciting na merkado sa ASEAN region, ayon sa isang opisyal ng Saudi government.

Mainit na tinanggap ng mga negosyante sa Saudi Arabia ang Maharlika Investment Fund (MIF) at nagpahayag sila ng kagustuhang maunawaan at malaman pa ang mga success stories ng Pilipinas pagdating sa pinansyal na aspeto.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Saudi Investment Minister Khalid Al-Falih na nais malaman ng mga mamumuhunan sa bansa nila ang kwento ng Pilipinas bilang isa sa mga “exciting” na merkado sa ASEAN.

“We want to connect you to key Saudi investors with impressive success stories to share and with the desire to continue building with international presence by investing with partners across the globe, the Philippines being a key one,” ani Al-Falih.

“I am pleased that we are joined today by leaders and the sector from Saudi Arabia who are eager to learn more about the investment, opportunities and one of ASEAN’s most exciting markets and learn more about the newly-launched Maharlika Investment Fund that you have launched under your administration,” dagdag pa niya.

Sa kanyang tugon, hinikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga negosyante na mamuhunan sa bansa sa pamamagitan ng MIF na magpopondo sa mga infrastructure projects.

“We look forward to benefiting not just from Saudi investments, but also from the Kingdom’s extensive experience in managing such funds,” ani Pangulong Marcos.