Sasampalin rin kaya nila yung guro? CHR, iimbestigahan na rin ang kaso ng mag-aaral na diumanong namatay dahil sa sampal ng guro sa Antipolo

Hinikayat ng Commission on Human Rights (CHR) ang mga ahensya ng gobyerno na tulungan ang mga naulilang pamilya ng mga biktima na makamit ang hustisya.

Naglunsad na rin ng sariling imbestigasyon ang Commission on Human Rights (CHR) sa pagkamatay ng isang 14-taong mag-aaral sa Antipolo City ilang araw matapos diumanong sampalin ng kanyang guro.

“The Commission deplores all acts which pose threats to safeguarding the rights and dignity of children. We underscore the importance of recognizing the individuality and rights of children whose physical and mental vulnerabilities should not relegate them from receiving equal and proper treatment from adults who are supposedly responsible for their welfare and protection,” sinabi ng CHR sa isang pahayag ngayong Huwebes, Oktubre 5.

Namatay kamakailan si Francis Jay Gumikib, isang Grade 5 na mag-aaral sa Peñafrancia Elementary School matapos ma-comatose ilang araw matapos diumanong sampalin ng kanyang guro. Ayon sa death certificate ng bata, namatay ito sanhi ng global brain edema, o pamamaga ng utak, bunsod ng pagdugo ng brain tissue nito.

Na-alarma rin ang CHR sa insidenteng iniulat sa kanila kaugnay sa paggahasa at pagpatay sa isang 3-anyos sa Sultan Kudarat ng kanyang kapit-bahay na 72-anyos na lalaki.

Hinikayat ng komisyon ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno na tulungan ang mga naulilang pamilya, lalo na sa pagkamit ng hustisya.

“We enjoin the government to establish and strengthen legislative, administrative and social measures that will secure children’s safety wherever they may be in line with the State’s obligation to ensure the protection of children as one of the vulnerable sectors,” dagdag pa ng ahensya.