Sasampalin ang First Lady! Glenn Chong kinalampag sa kabastusan!

Kinalampag ng ilang mambabatas si Atty. Glenn Chong kaugnay ng pahayag nito na sasampalin niya si First Lady Liza Marcos.

Kinalampag ng ilang mambabatas si Atty. Glenn Chong kaugnay ng pahayag nito na sasampalin niya si First Lady Liza Marcos.

Sinabi ni Chong ang naturang pahayag sa gitna ng prayer rally ng mga taga-suporta ni Pastor Apollo Quiboloy noong Martes.

“Kung merong criticism sa gobyerno, pwedeng i-lay down. Pero kung ang mga usapan parang sampalan, it brings down the dignity of women, whether it’s the First Lady or not, babae ‘yun eh. So medyo hindi lang nga talaga maganda tingnan sa publiko,” pahayag ni Iloilo Rep. Janette Garin.

“Bilang isang babae ulit at bilang isang nanay, bilang isang Pilipino, you don’t want your citizens doing that in public. Pero iyong mga katagang iyon, it does not only bring down the dignity of women. It also brings down the dignity of Filipino professionals,” dagdag pa niya.

Maging sina Surigao del Norte 2nd district Representative Robert Ace Barbers at Surigao del Sur 2nd district Representative Johnny Pimentel ay ‘di nagustuhan ang pahayag ni Chong.

“That is conduct unbecoming of a gentleman…Women’s Month pa naman,” saad ni Barbers.

“I saw the video clip and I denounce his disrespect to the First Lady,” wika ni Pimentel. “We demand a public apology for Chong.”

Si Chong ay nagsilbi bilang kongresista ng Biliran mula 2007 hanggang 2010. Natalo na siya sa kanyang mga pagtatangka ng re-election. Tumakbo rin siya para senador noong 2019 ngunit natalo.