Sasakyan ng BuCor chief pinagbabaril sa Skyway

Binaril ang sasakyan ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr. nitong Martes ng umaga.

Binaril ang sasakyan ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr. nitong Martes ng umaga.

Binabagtas ng kotse ni Catapang ang Skyway sa Quezon City nang bigla itong paputukan ng ilang armadong lalaki bandang alas-6:30 ng umaga.

Makikita sa larawang ibinahagi ng BuCor na may tama ng bala ang salamin sa likurang bahagi ng sasakyan ni Catapang.

Hindi naman nakasakay si Catapang sa kanyang pickup noong mangyari ang insidente.

Hindi rin nakatagos sa loob ng sasakyan ang bala dahil bulletproof ito,

Ayon sa BuCor, nakatanggap ng death threat si Catapang at BuCor Deputy Director General Al Perreras bago mangyari ang pamamaril sa sasakyan.