Sariling interes lang ang ipinaglalaban? Senado, takot masapawan, mawalan ng kapangyarihan kaya ayaw sa Cha-Cha — mambabatas

Ayon sa isang mambabatas, ayaw lamang ng Senado na mabago ang mga probisyong politikal sa Saligang Batas kaya nito pinipigilan o ginagawang kumplikado ang Charter Change (Cha-Cha). Aniya, partikular nilang nais harangan ang mga pagbabagong may kinalaman sa termino nila.

Ayaw lamang ng Senado na mabago ang mga probisyong politikal sa Saligang Batas kaya nito pinipigilan o ginagawang kumplikado ang Charter Change (Cha-Cha) dahil umanong nais harangan ang mga pagbabagong may kinalaman sa termino nila.

Iyan ang hinuha ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte sa patuloy na pag-alma ng mga senador sa isinusulong na Cha-Cha—kabilang na ang manifestong nilabas nito, kung saan nag-backout na ang Senado sa Resolution of Both Houses (RBH) No. 6.

“Senators should cease muddling up the issue of constitutional reform because the one and only objective of the House at this point is to amend for the first time the almost four-decade-old Constitution,” giit ni Villafuerte.

Dagdag pa niya, nangangamba lamang ang Senado na mabuksan ang pinto ng Cha-Cha dahil maaaring pati ang termino nila ay maapektuhan sa susunod na mga taon.

“The Senate is now raising the issue of political reforms in the Constitution in its Jan. 23 manifesto—although the popular clamor now is only for lifting the anachronistic economic provisions that spook foreign investors—apparently out of fear that any [Cha-cha] initiative could possibly lead to rationalizing or reforming the term-limit provisions of which our senators are the biggest beneficiaries,” aniya.

“This is because the political provisions of the 1987 Charter allow them among all our elective officials the longest time of 12 years—six years plus a relection of another six years—to serve in their legislative posts,” saad pa ng mambabatas mula Bicol.