Sarah Lahbati inamin na hiwalayan kay Richard Gutierrez

Sa wakas ay kinumpirma na ni Sarah Lahbati na hiwalay na sila ng kanyang mister na si Richard Gutierrez.

Sa wakas ay kinumpirma na ni Sarah Lahbati na hiwalay na sila ng kanyang mister na si Richard Gutierrez.

Sa panayam ng ABS-CBN, inamin ni Sarah na split na sila ni Richard.

“Yeah. I mean there’s nothing to hide,” wika ni Sarah. “I think it’s pretty clear to the public.”

Matatandaan sa unang panayam kay Sarah na nilantad din niya na hindi na sila nag-uusap ni Richard.

Ayon kay Sarah, maayos naman ang co-parenting nila ni Richard sa kanilang mga anak na sina Zion at Kai.

Noon pang 2023 umugong ang hiwalayan ng dalawa matapos silang hindi magkasama na nag-celebrate ng Pasko.

January 2024 ay napansin ng mga netizen na naka-unfollow na ang isa’t isa sa kani-kanilang social media account. Dagdag pa diyan na binago na ni Sarah ang kanyang pangalan sa social media at tinanggap na ang apelyido ni Richard.