Sarah Geronimo swak sa Billboard Global Force Award

Pang-international talaga ang kalidad ni Sarah Geronimo dahil Billboard lang naman ang nakapansin sa kanyang talento.

Pang-international talaga ang kalidad ni Sarah Geronimo dahil Billboard lang naman ang nakapansin sa kanyang talento.

Kasama si Sarah G. sa mga papangaralan sa Women in Music Awards ng naturang international music and entertainment magazine.

Ang Global Force Award ang tatanggapin ni Sarah sa awards night na gaganapin sa March 1 sa Los Angeles, Califrornia.

Siya ang magiging kauna-unahang Pinay na tatanggap ng naturang parangal.

Nakilala si Sarah G. sa kanyang mga hit song tulad ng ‘Tala’, ‘Kilometro’ at ‘A Very Special Love’.