Sarah Geronimo durog sa pagpatay kay ‘Killua’

Isa ang singer-actress na si Sarah Geronimo sa mga nakiisa sa paghingi ng hustisya para sa asong si 'Killua'.

Isa ang singer-actress na si Sarah Geronimo sa mga nakiisa sa paghingi ng hustisya para sa asong si ‘Killua’.

Viral ngayong Martes ang istorya kung paano pinatay si Killua, na isang golden retriever.

Sa kanyang post sa X (dating Twitter), nangako si Sarah na lalaban siya para makamit ni Killua at ng kanyang amo ang hustisya.

“This news is extremely heartbreaking. Walang kalaban-laban ‘yung aso. Katulad nating mga tao, nakakaramdam din sila ng takot at sakit. Every life deserves respect and protection. It’s time to demand accountability and raise our voices against animal cruelty,” saad ni Sara sa kanyang post.

“Let’s unite in being the voice for the voiceless,” dagdag pa ng singer. “Killua.. we will fight for you.”

Trending sa X ang #JusticeForKillua, na may mahigit 47,000 na post.