Sarah G, Bamboo, Ely Buendia, Jericho Rosales dadayo sa Bicol Loco Hot Air Balloon Fest!

Bigatin ang mga guest sa unang Bicol Loco Hot Air Balloon Festival na gaganapin na simula May 3 hanggang 5.

Bigatin ang mga guest sa unang Bicol Loco Hot Air Balloon Festival na gaganapin na simula May 3 hanggang 5.

Bukod sa mga naggagandahang hot air balloon at scenery sa Bicol, nandiyan ang mga performances na tiyak na hindi makakalimutan ng mga Bikolano at mga turista.

Nandiyan sina Sarah Geronimo at Bamboo na papainitin ang stage sa May 3.

Sa May 4 naman ay magpe-perform sina Jericho Rosales at OPM legend Ely Buendia.

Ayon kay Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy Co, ang Bicol Loco Festival ay naglalayong bigyang pagkilala ang heritage ng Region V.

“This grand festival is more than just an event, it’s a platform for cultural exchange, a catalyst for economic development, and a grandiose expression of pride for the Mayon Volcano and the Bicol region’s vibrant heritage,” saad ni Co.