Sapul sa CCTV! Binatilyo, Sugatan sa pambubugbog ng grupo ng kalalakihan sa Legazpi City

Bugbog-sarado ang isang binatilyo sa Legazpi City matapos pagtulungan ng hindi bababa sa limang kalalakihan. Na-aktuhan ang gulpihan sa CCTV.

LEGAZPI CITY – Sugatan ang 17-anyos na Grade 12 student na si Greg Lorenzana matapos pagbubugbugin ng hindi bababa sa limang (5) kalalakihan sa labas ng paaralan nito sa Homapon High School, Brgy. Homapon, Legazpi City pasado alas-11:45 ng tanghali, Biyernes, September 14, 2023.

Nakunan ng CCTV footage ang panggugulpi ng grupo ng mga kalalakihan sa biktima.

Ayon kay Barangay Kagawad Vicente Abion, nakilala na nila ang lima sa nanggulpi sa biktima kung saan karamihan ay pawang mga menor-de-edad at nakatakda nang ipatawag sa barangay.

Samantala, wala pang ipinapalabas na pahayag ang paaralan kung saan nag-aaral ang biktima subalit ipapatawag din nila ang naturang estudyante.

Sa ngayon, nagpapagaling sa ospital ang biktima.