Sanib-pwersa sa TVJ: Willie Revillame balik TV na

Magbabalik telebisyon na ang kilalang host na si Willie Revillame!

Magbabalik telebisyon na ang kilalang host na si Willie Revillame!

Ito’y matapos kumpirmahin ng TV5 ang pagpirma ng kontrata ni Willie para sa isang bagong show.

Magsisilbing creative director si Revillame para sa joint venture nito sa MediaQuest.

Matatandaang dati nang naging tahanan ni Willie ang TV5, kung saan dating nang pinalabas ang ‘Wil Time Bigtime’.

Lumipat si Willie sa GMA-7 kung saan nakilala naman ang ‘Wowowin’. Ayon kay Willie, bago muli ang magiging pangalan ng kanyang programa.

Nagpasalamat si Revillame sa Kapatid Network lalo na kay TV5 boss Manny V. Pangilinan sa pagbibigay sa kanya ng second chance.

Hindi rin mailalagay sa noontime slot ang show ni Willie dahil hawak na ito ng ‘Eat Bulaga’ nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon.

“Eat Bulaga tanghalian n’yo at ngayon may panghapunan na kayo, abangan n’yo ho. Kumpleto na ang buhay ng bawat Pilipino dahil sa umaga, tanghali at gabi, sama-sama tayo sa saya, ligaya at may pag-asa kayo dito po sa TV5,” lahad ni Willie.