Sanggol sa Quezon, nalunod sa bahang dala ni Aghon

Isang sanggol sa Padre Burgos, Quezon Province ang patay matapos malunod sa baha sa kasagsagan ng Bagyong Aghon nitong Sabado.

Isang sanggol sa Padre Burgos, Quezon Province ang patay matapos malunod sa baha sa kasagsagan ng Bagyong Aghon nitong Sabado.

Sinira kasi ng baha ang bahay ng pamilya ng bata at doon na nga tinangay ng tubig ang sanggol.

Natagpuan ang mga labi ng biktima kinabukasan.

Patuloy naman ang ginagawang monitoring ng Quezon Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at Provincial Government sa naging epekto ng bagyo sa probinsya. Sa kasalukuyan, nakataas pa rin ang TCWS No. 1 sa ilang bahagi ng Quezon.

Aabot sa mahigit isang libong mga residente ang nailikas na sa buong lalawigan at patuloy na nadadagdagan.