Sandro manhid na sa batikos vs mga Marcos

Sanay na umano si Ilocos Norte 1st District Rep. at presidential son Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos sa batuhan ng putik sa mundo ng politika.

Sanay na umano si Ilocos Norte 1st District Rep. at presidential son Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos sa batuhan ng putik sa mundo ng politika.

“You know, well, to tell you the truth, ako sanay na ako eh (I’m used to it). I’ve been in politics long enough to know that that’s how the game works. And my dad, same thing naman. It’s nothing new,” saad ni Sandro sa isang ambush interview ngayong Miyerkoles.

“There have always been accusations hurled. There have always been mudslinging. So, that’s nothing new,” aniya pa.

Ito ang mga naging tugon ni Sandro nang tanungin siya hinggil sa patutsada ng kanyang ina na si First Lady Liza Marcos sa vlog ni Anthony Taberna ilang linggo na ang nakakaraan.

Ani Sandro, hindi gaya niya at ng kanyang ama, hindi sanay sa bangayan ang First Lady.

“My mother is not quite as used to it as we are, as the both of us. So, you know, her reaction, from that interview, I think that (what) you’ve all seen is, I guess, one of a wife who is being protective of her husband. So, I think we can sympathize in that sense,” paliwanag ng kongresista.

Matatandaang sa panayam ni Taberna ay naglabas ng sama ng loob ang First Lady kay Bise Presidente Sara Duterte.