Sandara Park bet maging leading man si Coco Martin

Isang K-pop star lang naman ang gustong makasama sa isang project si Coco Martin.

Isang K-pop star lang naman ang gustong makasama sa isang project si Coco Martin.

Sa panayam ng ABS-CBN kay Sandara Park, sinabi nito na hiling niya’y makatrabaho si Coco, na aniya’y napanood niya ang lahat ng pelikula ng top local celebrity.

“I have a wish, sana magka-project kami ni Coco Martin in the future. Sana. I really love his movies, napanood ko lahat ng movies niya,” wika ni Sandara.

“Lalo na yung mga romantic comedies so sana maging leading man ko siya in the future,” aniya pa.

Sa Instagram post ni Sandara, makikitang kasama niya si Coco bilang parte sila ng promo para sa
isang kilalang alcoholic drink brand.


Hindi na bago para kay Sandara na gumawa ng pelikula sa Pilipinas. Bago siya maging member ng Korean girl group na 2NE1 ay nakilala muna siya bilang isang aktres sa ‘Pinas, kung saan binansagan pa nga siyang ‘Pambansang Krung-Krung’ dahil sa kanyang nakakaaliw na personality.