Sana oil! PBBM, ipinakiusap ang sapat na suplay ng langis para sa ASEAN

Responsable ang Gulf Cooperation Council sa malaking porsyento ng pandaigdigang suplay ng gas at langis, kaya hindi na katakataka na ipinakiusap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga kasapi nito na tulungan ang mga bansa sa ASEAN.

Nanawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga bansang kasapi ng Gulf Cooperation Council (GCC) na magtulungan upang mabigyan ng sapat na suplay ng gas at langis ang mga bansa sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), kung saan kabilang rin ang Pilipinas.

“We call on the GCC countries to help ensure the reliable and sufficient supply of oil and gas to ASEAN member states to respond in a timely and effective manner to the vicissitudes of today’s energy economics, deepening social cleavages, and the disruptions of adverse geopolitical developments,” pakiusap ni Marcos sa kaniyang intervention sa katatapos lang na ASEAN-GCC Summit.

Hinimok rin niya ang mga miyembro ng GCC na tulungan ang mga bansa sa ASEAN sa food security sa pamamamagitan ng chemical fertilizers.

“We recognize that chemical fertilizers are the by-products of the petrochemical refinement process, and the GCC can also help ASEAN maintain its food security by filling up supply deficiencies in fertilizer export to our region,” dagdag pa ni Marcos.

Bukod pa ito sa aniyang mga pagtutulungan ng GCC at ASEAN sa iba’t iba pang larangang gaya ng renewable energy at supply chain.