Sana ibaba ang bank charges rin! Mga bangko, BSP sanib-pwersa para sa cybersecurity, financial literacy

Tiniyak ng mga bangko na handa silang mas palakasin pa ang partnership nila sa Bangko Sentral ng Pilipinas para mapa-igting ang mga inisyatibo nito sa larangan ng cybersecurity, financial literacy, at financial inclusion.

Nangako ang mga bangko sa Pilipinas na mas lalo pa itong makikipagtulungan sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) upang mapabuti ang kanilang cybersecurity at mas makapagbigay ng mga epektibong programa para sa financial literacy at financial inclusion.

Sa isang pagpupulong kasama ang BSP, sinabi ni Mai Gacilo Sangalang, pangulo ng Bank Marketing Association of the Philippines (BMAP), na handa ang mga miyembro nito na mas palakasin pa ang partnership nila sa BSP para mapa-igting ang mga inisyatibo nito sa larangan ng cybersecurity, financial literacy, at financial inclusion.

“These initiatives help in promoting savings consciousness, better money management, teach the value of saving, as well as make banks accessible and more affordable to more Filipinos,” paliwanag ni Sangalang.

Kabilang sa mga inisyatibong ito ay ang pagpapalakas sa Banking Code for Consumer Protection at ang mga programa gaya ng Banking On Your Future, Project BSP Reaches Out (Project BRO), at kampanya para sa cyber hygiene.

Naglabas na rin ang BMAP at BSP ng mga information campaign upang protektahan ang mga Pilipino laban sa fraud at online scams.