Sana ‘di na maulit! Pamilya ni Eva Darren, tinanggap na sorry ng FAMAS

Tinanggap na ng pamilya ni veteran actress Eva Darren ang paghingi ng tawad ng organizer ng FAMAS tungkol sa nangyaring tila pambabastos sa aktres.

Tinanggap na ng pamilya ni veteran actress Eva Darren ang paghingi ng tawad ng organizer ng FAMAS tungkol sa nangyaring tila pambabastos sa aktres.

Sa panibagong Facebook post ni Fernando de la Pena, sinabi nito na na-appreciate nila ang suportang natatanggap sa mga netizen tungkol sa kanyang ina.

“My mom is one tough cookie, she is a battle-tested survivor of life’s arena. Ms. Eva Darren has found some comfort in the midst of a loving family which includes you all,” saad ni Fernando.

Aniya, handa na nilang tanggapin ang paumanhin ng FAMAS matapos na hindi paakyatin sa stage si Eva kahit pa isa sana ito sa awards presenter.

“Our family accepts the olive branch that FAMAS has extended and only hope that future events would prove to be contrasting,” saad pa ng anak ni Eva.

Pero ayon kay Fernando, dapat ay matuto na ang FAMAS sa pangyayari at iwasan nang maulit ito.

Matatandaan na sinabi ng FAMAS na hindi umano nahanap ng production team si Eva kaya hindi na ito pinaakyat ng stage.

“Please stick to the script… and maybe a nice pair of eyeglasses for all in change,” saad pa ng anak ni Eva.