Sana all talaga! Heart Evangelista, Chiz Escudero espesyal ang renewal of vows

Nanatiling matatag ang samahan nina Heart Evangelista at Senador Francis 'Chiz' Escudero na pinatunayan sa kanilang renewal of vows.

Nanatiling matatag ang samahan nina Heart Evangelista at Senador Francis ‘Chiz’ Escudero na pinatunayan sa kanilang renewal of vows.

Ibinahagi ni Heart ang ilang kuha sa renewal of vows nila ni Chiz nitong Huwebes, February 15.

Ginanap ang renewal of vows nina Heart at Chiz sa Balesin Island, kung saan din ikinasal ang couple noong 2015.


Kasabay ng kanilang renewal of vows ang ninth wedding anniversary nila.

Ngunit ngayon, mas espesyal ang ceremony dahil dumalo na ang nanay ni Heart na si Cecile Ongpauco.

Bigo namang makadalo ang tatay ni Heart na si Rey, dahil nasa America ito para magpagamot sa iniindang karamdaman.

Congratulations, Heart at Sen. Chiz!